Black Sapote: Prutas na mainam sa mga nagdidiyeta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

ANG prutas na Black Sapote ay swak kainin ng mga nagdidiyeta. Ito ay may kakaibang lasa na maihahalintulad sa tsokolate at mabuti sa katawan dahil sagana  sa bitamina. Karaniwan itong tumutubo sa South America.

Mababa ang taglay na fat ng Black Sapote. Apat na beses na mas sagana sa Vitamin C kaysa oranges kaya mainam na kainin para lumakas ang katawan laban sa mga sakit.

Bukod sa South America, matatagpuan din ang Black Sapote sa Mexico, Australia, at maging sa Pilipinas.

Sinasabing ang mga Espanyol ang nagdala ng Black Sapote dito sa Pilipinas. Kamag-anak ng persimon ang Black Sapote pero sa halip na pula ay kulay tsokolate ang loob nito.

Maaaring kainin ang Black Sapote ng hilaw ngunit marami rin ang gu­magamit nito bilang sangkap sa paggawa ng mga panghimagas tulad ng cake, pudding, at marami pang iba.

FRUITS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with