Customer sa Ohio na umorder ng 1 beer, nag-iwan ng $3,000 na tip

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

ISANG customer sa Ohio na humabol bago ang pagsasara ng mga restaurant doon dahil sa panibagong pagpapatupad ng lockdown ang nag-iwan ng $3,000 (katumbas ng P150,000) na tip matapos umorder ng isang boteng beer na nagkakahalaga ng $7.02.

Ayon kay Brendan Ring, may-ari ng restaurant, dumating ang customer sa kanilang kainan bago magtanghali noong Linggo, isang araw bago ipatupad ang pangalawang lockdown sa kanilang lugar.

Isang boteng beer lang daw ang inorder ng customer at nang kinuha na niya ang kanyang bill ay personal siyang nagbayad kay Ring na sinabihan nitong hatiin ang ibinigay niyang tip sa kanyang mga empleyado.

Noong una’y inakala ni Ring na $300 (P15,000) lang ang mga ibinigay na tip ng lalaki kaya laking gulat niya nang isuot niya ang kanyang salamin at  mabasang sampung beses na mas mataas pa pala ito.

Ayon kay Ring, malaking tulong ang tip ng lalaki para sa kanyang mga empleyado, na nakatakdang mawalan ng sahod sa susunod na anim hanggang walong linggo dahil sa pagsasara ng kanyang restaurant bilang pagsunod sa lockdown.

BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with