Tira-tirahan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - November 17, 2020 - 12:00am

MALIIT ang suweldo niya bilang dietician sa maliit na pribadong ospital kaya nagpasya  si Misis na makipagsapalaran sa UAE. Sinuwerte naman at ilang buwan lang na pag-aasikaso sa papeles ay natanggap siyang dietician sa isang ospital sa Dubai. Pumayag si Mister na mag-abroad si Misis dahil wala pa naman silang anak at dalawa ang pinag-aaral nitong kapatid sa kolehiyo.

Sa Dubai ay nagsikap ng mabuti si Misis. Dala marahil ng homesickness ay pumatol si Misis sa isa rin Pinoy na ang pakilala ay isang binata. Nagsinungaling si Misis at ang pakilala naman niya sa sarili ay dalaga. Nag-live in ang dalawa sa Dubai. Natapos ang kontrata ni Misis kaya umuwi siya sa Pilipinas. Naiwan ang lalaki sa Dubai dahil hindi pa tapos ang kontrata nito. Nangako na lang si Misis na babalik siya sa Dubai.

Kaso pagbalik niya sa Pilipinas ay nagkataong inalok si Mister ng kanilang kompanya na siya ang ipapadala para mag-training ng isang taon sa isang engineering firm sa Sharja UAE. Si Misis naman ay hindi nakabalik sa Dubai dahil na-stroke ang ina nito. Siya ang panganay at tanging inaasahang mag-alaga sa ina.

Mula sa Sharja, si Mister ay ipinadala sa branch nila sa Dubai para lalo pa nitong mapraktis ang natutuhan. Marami rin Pinoy doon at isa sa mga ito ay mabilis niyang nakapalagayan ng loob. Nang banggitin ni Mister ang kanyang  kumpletong pangalan sa bagong kakilala ay biglang na-excite ang kanyang kausap.

“Brod, kaapelyido mo ang naging ka-live in ko dito sa Dubai. Baka may kakilala kang Laila na kaapelyido mo.”

Bagama’t natulig siya sa kanyang narinig, maagap siyang nakabawi at saka nagsalita.

“May litrato ka ba ng babaeng naka-live in mo? Baka hindi ko siya kilala sa pangalan pero makikilala ko sa mukha.”

Kinuha ng kausap ang picture at ipinakita kay Mister. “Sorry ngayon ko lang nakita ang babaeng ‘yan.”  Dumaan ang maghapon na pulos tungkol kay Laila ang ikinukuwento ng lalaki.

Makalipas ang isang taon ay bumalik sa Pilipinas si Mister. Sa halip na umuwi sa kanilang bahay ay sa bahay ng kapatid siya tumuloy. Tinawagan na lang niya ang asawang si Laila.

“Nakilala ko ‘yung naging kabit mo nang minsang ipadala ako ng kompanya sa Dubai. Pero huwag kang mag-alala, hindi ko ipinagtapat na ako ang orig mong asawa. Siyanga pala, bago kami maghiwalay, may ipinakilala siyang nurse na bago raw niyang girlfriend. Nang itanong ko kung paano na si Laila, ang sagot sa akin: Brod may asawa ‘yun, pero nagkunwari ako na hindi ko alam. Sayang, pantanggal-inip din.”

“Kailan ka uuwi dito sa ating bahay?” mahina ang boses nito na parang maiiyak.

“Hindi na. Mahirap lunukin ang tira-tirahan ng iba.” 

UAE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with