^

Lalaki sa Massachusetts, naglagay ng christmas tree sa mga lubak sa kalsada

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 15, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa Massachusetts na sawang-sawa na sa mga lubak sa kanilang lugar ang nagsimulang magtanim ng maliliit na Christmas trees sa mga butas na nakikita niya sa kalsada

Nagsimula ang lahat nitong nakaraang Sabado nang nadaanan ng sasakyan ni Kevin Martin ang ilang lubak sa kalsadang malapit sa kanila dahilan upang ma-flat ang lahat ng gulong nito.

Ayon kay Martin, dati na siyang nagreklamo sa mga kinauukulan ukol sa mga lubak ngunit hindi naman ito binigyan ng pansin.

Kaya pagkatapos ng nangyari sa kanyang mga gulong ay nagpunta siya sa hardware store kung saan bumili siya ng panambak na lupa para sa mga lubak na siyang tinamnan niya ng mga maliliit na Christmas trees.

Naging epektibo ang naisip ni Martin dahil kina­bukasan din ay tinanggal kaagad ang kanyang mga Christmas trees at inayos na ang mga lubak sa kanilang lugar.

 

CHRISTMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with