‘Iranian hulk’

ISANG lalaki sa Iran ang tinaguriang “Iranian Hulk’’ dahil sa kakaibang laki ng kanyang katawan.

Siya ay ang 24-anyos na weightlifter na si Sajad Gharibi.

Sa bigat niyang 345 pounds ay wala siyang kataba-taba sa kanyang katawan na binubuo ng purong muscle lang.

Hindi lang din puro pamporma ang mga muscles ni Gharibi dahil sinasabing kaya niyang magbuhat ng mas mabigat pa sa kanyang timbang.

Naging kilala si Gharibi dahil sa kanyang Instagram account na nasa 67,000 ang followers. Bukod sa tawag na “Iranian Hulk” ay binansagan din siyang “Persian Hercules” ng fans na inaabangan ang mga larawang kanyang ipino-post sa Internet.

Pansin na pansin naman sa mga larawan ang laki ng katawan ni Gharibi dahil talaga namang nanliliit ang anumang bagay na itabi sa kanya.

Kaunti la­mang ang nakaaalam ng mga personal na detalye ni Gharibi ngunit alam ng lahat na siya ay madalas lumahok sa mga kompetisyon sa powerlifting.

 

Show comments