Kailan pa kayo naging mukhang kuwarta?
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

PANAHON ng pandemya ngayon. Ang iba na may kaka-yanan, imbes na makatulong ay dagdag pasakit pa sa bayan.

Habang sinusulat ko ang kolum na’to, hindi pa rin sumasagot si Sen. Richard Gordon. Ito ‘yung sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ang Philippine Red Cross (PRC) ng kalahati ng utang ng PhilHealth.

Umabot na kasi ng 6,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang stranded at hindi makauwi ng kanilang mga probinsiya.

Dahil sa paghinto ng PRC last week sa pag-swab testing sa OFWs na umuuwi ng Pinas, bumagal lalo ang proseso.

Requirement para sa mga OFWs na mapatunayan sa pamamagitan ng swab test na sila’y negatibo sa COVID-19 virus bago makauwi sa kanya-kanyang probinsiya at pamilya.

Ang siste, mula 1,000 araw-araw na resulta noong nagseserbisyo pa ang PRC, ngayon ay 300 na lamang.

Ang Department of Labor and Employment, lalong namroblema dahil bukod sa dumarami ang bilang ng mga OFWs na umuuwi sa Pinas araw-araw, kailangan pang rumenta ng mas maraming hotel na paglalagakan ng mga ito pansamantala nang hindi humalo sa komunidad.

Tumatagal din ang kanilang pananatili sa mga hotel dahil sa bagal ng resulta. Ibig sabihin, mas lumalaki ang gastos.

Oo nga, higit P900 million ang utang nitong lintik na PhilHealth. Hindi pa ba sapat ang sinabi ng Pangulo noong Lunes na babayaran ang PRC?

Anong sagot mo Sen. Gordon? Hindi ka pa rin kikilos?

Para bagang no money, no swabbing. Kailan pa nagmukhang kuwarta ang PRC?

Ano ba ito, estilo ng pagpapakita na ikaw ay matigas or tough na hindi ka matitinag? O style ito ng pagpapahiya sa administrasyon? 

Hindi ba’t ang Red Cross ang unang tumutulong at nagbibigay ng serbisyo sa panahon ng mga sakuna? Paalala lang, pandemya ngayon!

RICHARD GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with