^

Punto Mo

Maari ko bang i-post sa social media na may warrant of arrest ang isang tao?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari po ba akong mag-post sa social media patungkol sa dati kong empleyado at sa pagkakaroon niya ng kasong kriminal at warrant of arrest? Totoo naman po ito at may pruweba ako dahil may kopya po ako ng mga dokumento mula sa korte. Gusto ko lang kasi sanang mabigyan ng babala ang mga kakilala namin. —Mely

Dear Mely,

Huwag mong gawin ang iyong binabalak dahil baka ikaw pa ang masampahan ng kasong kriminal. Tandaan na ang cyber­libel ay ang paglalathala sa internet ng malisyosyong pagbibintang ng krimen, depekto, bisyo, o anumang aksyon na nagdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng isang tao o korporasyon.

Kahit pa totoong may nakasampang kasong kriminal laban sa dati mong empleyado ay inosente pa rin siya sa ilalim ng batas hangga’t hindi siya nahahatulan kaya maaring sabihin na isang paraan ng pagbibintang ng krimen ang binabalak mong post na magdudulot ng pagkasira ng kanyang puri o ng kanyang pagkapahiya.

Kung sakaling masampahan ka ng libel ay hindi mo rin naman magagamit na depensa na totoo namang may kaso at warrant of arrest and dati mong empleyado. Hindi naman kasi titingnan ng korte kung totoo ba o hindi ang post mo maliban na lamang kung ikaw ay miyembro ng media at bahagi ng karaniwang trabaho mo ang ginawa mong libelous na post.

Ang pangunahing titingnan ng korte ay kung malisyoso ba ang ipinost mo at mahihirapan kang itanggi ito dahil ipagpapalagay kaagad ng batas na malisyoso ang post mo kung ma­linaw na nagdulot ito ng pagkapahiya sa ibang tao.

Kaya ang maipapayo ko sa iyo, huwag mo nang ituloy ang binabalak mong pagpo-post sa social media ukol sa kaso at warrant of arrest ng dati mong empleyado kung ayaw mong magkaroon ng sariling kriminal na kaso. Hayaan mo na lang na umandar ang kaso at maparusahan ang dati mong empleyado kung makita ng hukuman na siya’y may sala.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with