Unti-unti babalik din sa normal!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - October 16, 2020 - 12:00am

Marami na talagang rekomendasyon ang inilalatag sa kasalukuyan na patungo na sa pagbabalik sa normal matapos ang ilang buwan nang quarantine na nagpabago sa buhay ng marami.

Maging ang distansya sa mga pampublikong  sasakyan, niluwagan na rin.

Nais na rin  ng Palasyo na makabiyahe na ang motorcycle taxis na Angkas at Joyride para mas marami ang masilbihang pasaheo.

Ang mga papayagang palabasin ng bahay,  nais na gawing  mula 15 hanggang 65-anyos.

Ang mga negosyo nais na ring gawing 100 percent ang operation.

 Sa lahat ng ito naman ay dapat pa rin mapanatiling napapairal ang mga heatlh protocols.

Gaya nga ng paalala ng mga eksperto, bagamat bumaba ang bilang ng kaso ng COVID, wala pa ring bakuna para dito, kaya ang panganib ay nandyan pa rin kaya hindi dapat na mag-relax.

Sa pinakahuling ulat, posibleng sa Abril 2021 eh magkakaroon na ng bakuna sa COVID, ito yong ilalabas ng Russia, meron din ang China at Amerika  malamang kung sino ang mauna.

Ayon nga kay Pangulong Digong dapat  nga raw lahat ng Pinoy ay mabigyan ng bakuna.

Gayunman baka ang malibre lamang eh yun talagang mahihirap na walang kakayahan sa gastusin ng vaccine.

Marahil unti-unti na nga ang pagbabago.

Ang lahat ng mga bagong rekomendasyon na nais na sanang maipatupad ay palatandan na talagang matindi na ang pangangailangan para mabuksan na ang ekonomiya ng bansa.

Lalu na nga’t nalalapit na ang holiday season kung saan  ang pinakakahangad ng marami eh makaahon o makawala na sa bangungot ng pandemya at magkaroon ng malinaw na pag-asa sa papasok na panibagong taon.

QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with