^

Punto Mo

LGUs nakatutok sa mga nag-iingay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Iba’t ibang pag-aksyon ang ginawa ng mga LGUs parti­­kular sa Metro Manila laban sa mga mag-iingay na sabagal sa mga ginagawang pag-aaral ng mga mag-aaral sa ilalim ng ‘new normal’.

Talagang kumilos ang mga local government units para na rin sa kapakanan ng mga estudyante.

May mga ordinansa na rin naman ang mga LGUs tungkol sa mga walang pakundangang pag-iingay kahit wala pa ang nara­ranasang pandemya na talagang mapapakinabangan sa panahong ito kung saan sa mga bahay nagsasagawa ng pag-aaral ang mga estudyante.

Hindi lang mga mag-aaral, may ilang manggagawa na sa bahay na rin nagtatrabaho na nanga­ngailangan din naman ng katahimikan.

‘Yung ilan mas pinalakas pa nga ang ipinatutupad na patakaran sa kanilang mga lugar.

Bukod sa multa sa mga mahuhuli, sa ilan may katapat pang kulong.

Pero sa kabila nito, baka masumpungan pa rin ang pagsuway ng mga pasaway, kaya nga kailangang maipakita ng LGUs at lalo na ng mga opisyal sa barangay na hindi lang puro babala ang kailangan.

Kung may sumuway, aba’y dapat na sampolan, para makita na seryoso sila sa pagpapatupad sa kautusang bawal mag-ingay.

Hindi lang naman ‘yung pagbi-videoke ang maituturing na ‘noise pollution’ lalo na nga’t lasing na yata ang kumakanta at kung anu-ano ng pitch ang naririnig. Hindi na nga kanta palahaw na at masakit na sa tenga.

Nandyan din ang maiingay na tambutso ng sasakyan lalo na ng mga motorsiklo na talagang istorbo rin sa katahimikan.

Isang linggo na ang pagsisimula ng distance learning sa mga paaralan at aminado naman ang DepEd na marami pa ang dapat ayusin.

Hindi pa naman ito napeperpekto, lalo na nga’t nag-a-adjust pa ang lahat sa bagong pamamaraang ito, pero maraming magulang ang umaasa na sa mga susunod na araw o linggo ay magiging smooth na ang lahat, na ito ay makakasanayan din ng lahat.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with