Hindi ako susuko (2)

GUSTO ni Reagan na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo, makapagtrabaho sa isang magandang kompanya at matulu-ngan ang kanyang mga magulang at kapatid. Tatlo pa ang kapatid na sumunod sa kanya. Siya ang panganay.

Kapag hindi siya nagpumilit na maka-pag-aral sa kolehiyo, tiyak na hindi na rin magsisikap mag-aral ang mga kapatid. Mananatili na lamang dito sa bukid at mananatiling magsasaka. Wala namang masama sa magsasaka kaya lamang ay gusto niyang mabago ang buhay.

Gusto naman niyang maiba ang kanyang kinabukasan. Hindi na lang siya nangatwiran sa kanyang tatay kagabing kausapin siya dahil wala pa naman siyang matibay na plano. Hindi pa nga siya sigurado sa kukuning kurso sa kolehiyo. Basta ang sigurado siya, marunong siyang magdrowing o mag-illustrate. Marami na siyang alam idrowing at nagagawa niya iyon nang mabilisan gamit ang lapis o ballpen. Kaya nga ang kuwa-derno niya ay mas marami pang drowing kaysa sa mga nili-lecture ng teacher nila.

Biglang may pumutok sa isip ni Reagan, bakit hindi niya gamitin ang nalalaman sa pagdudrowing para makapag-aral sa kolehiyo.

Bakit nga hindi?

Kinabukasan, habang nagpapahinga siya sa ilalim ng punong mangga, nagsimula siyang magdrowing. Nagdala siya ng bond paper at lapis. Kailangang magpraktis siya nang magpraktis para maging mahusay.

Ang talento niya sa pagguhit ang magdadala sa kanya patungo sa tagumpay.

(Itutuloy)

 

Show comments