^

Punto Mo

Sarah, may advance celebration sa isla

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Balesin Island kahapon. Pre-birthday cele­bration ‘yon ni Sarah - October 9 ang actual birthday niya.

Ilang araw rin silang mananatili sa lugar na ‘yon kasama ang mga anak na sina Zion at Kai. Kasama rin nila si Raymond Gutierrez, ang mag-asawang Elvis at Alexa Gutierrez plus ang mga anak ng mga ito na sina Aria at Ezra. Kasabay rin nila na pumunta ng Balesin Island si Chemist Pinky Tobiano at ang mister nito na si Juanch Robles.

Very safe raw sa nasabing private island resort dahil matin­ding pinatutupad doon ang health and safety protocols. Wala raw COVID-19 sa nasabing lugar dahil may swab testing din ang mga nagpupunta roon. Sabi ko kay Sarah, aabutan nila roon ang Concert King na si Martin Nievera.

Kahapon nga pala habang ka-chat ko si Sarah ay medyo stressful siya sa kanyang ear piercings. “I spent an hour fixing my ears. Hahaha!” natatawang tsika ng misis ni Richard.

Siyempre, masaya si Sarah sa bonding ng kanilang pamilya dahil kasama nga nila si Richard na babalik pa uli sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probin­syano after ng birthday ng misis. Suwerte nga at break muna si Richard sa lock-in taping ng series ng Kapamilya network hanggang sa makapag-birthday si Sarah. After ng third lock-in ni Richard sa FPJ’s Ang Probinsyano, aabutan naman niya ang birthday ng nanay niyang si Annabelle Rama.

Kuya Germs, ‘di kinakalimutang dalawin ng mga taga-That’s…

Ang mag-sweethearts na sina Harlene Bautista at Federico Moreno sa Holy Cross Memorial kahapon. Nagkita kami roon dahil birthday ng Mommy Baby nila Harlene.

Sa tsikahan nga pala namin ni Federico, ikinuwento niya na bukas ay dadalaw naman sila sa libingan ng kanyang tatay, the late Master Showman German Moreno. Marami ring former That’s Entertainment member ang dadalaw bukas sa puntod ni Kuya Germs.

Alam mo, Ateng Salve, nakaka-miss din talaga si Kuya Germs. Madalas kong nakakasama noon si Kuya Germs sa Greenills Shopping Center sa San Juan. Kabiruan ko si Kuya Germs at kahit may senior citizen card siya, hindi niya ginagamit ‘yon kapag magkasama kaming kumakain noon.

Biniro ko nga minsan si Kuya Germs na ilabas na niya ang senior citizen card niya dahil sayang ang discount.

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with