Ang babae sa aparador (186)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - September 29, 2020 - 12:00am

APAT na araw na na­malagi sa magandang beach resort sina Jonas at Ziarah.

Sa ikalimang araw bumalik na sila sa Maynila.

“Gusto kong bumalik muli rito, Love pero pagkatapos na ng kasal natin.’’

“Sige, Sweet. Hindi ko malilimutan ang lugar na ito.

“Gusto mo dito tayo mag-honeymoon. Kaysa kung saan-saan pa tayo pumuntang lugar e ‘di dito na lang. Ano sa palagay mo?’’

“Oo. Gusto ko rito.’’

“Sige. Pero kung mayroon ka pang ibang lugar na magugustuhan sabihin mo sa akin.’’

Tumango si Ziarah. Pero para sa kanya, gusto na niya ang beach resort na pinuntahan sapagkat doon sila unang nagkasarilinan ni Jonas. Memorable sa kanya ang resort.

MABILIS na lumipas ang mga araw.

Hanggang sa sumapit ang pinakahihintay na graduation ni Ziarah.

May karangalan siya nang magtapos.

Tuwang-tuwa si Jonas sa­pagkat natupad din ang pa­ngarap niya para kay Ziarah.

“Congrats Love,’’ sabi ni Jonas at hinalikan si Ziarah.

“Salamat Sweet.’’

Maya-maya, nakita niyang papalapit ang classmate niyang si Jing na katulad niya ay nag­tapos din. May kasama ito.

Hindi siya makapaniwala. Si Joshua!

‘‘Ziarah, dininig ng Diyos ang dalangin ko. Magaling na si Joshua! At siya ang nagpumilit pumarito para dumalo sa graduation ko,’’ sabi ni Jing.

‘‘Kumusta Joshua. Salamat at magaling ka na,’’ sabi ni Zia­rah at kinamayan ito.

“Okey na ako, Ziarah. Mabilis akong gumaling dahil dito kay Jing. Lagi akong dinadalaw sa rehab.’’

“Siyanga pala, Josh, si Jonas, boyfriend ko.’’

Nagkamay sina Jonas at Josh.

“Natutuwa ako sa maaga mong paggaling Josh,’’ sabi ni Ziarah.

‘‘Nakatulong din ang pagkakasundo ng parents ko. Pareho na silang narito sa Pinas at buo na ang aming pamilya.’’

“Purihin ang Di­yos,” sabi ni Ziarah.

‘‘Mabait ang Diyos, Ziarah. Binig­yan din niya ako ng babaing mamahalin – si Jing.’’

Halos mapaiyak si Jing sa sinabi ni Joshua.

(Itutuloy)

 

ANG BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with