^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mapagod sa pag­lalakad sa buha­nginan sina Ziarah at Jonas ay naupo naman sila at tinanaw ang asul na dagat. Malapit nang lumubog ang araw. Nagkulay-orange na ang dakong lulubugan. Na­pakagandang pagmasdan ng bolang araw na unti-unting bumababa.

“Ngayon ko lang nakita na ganyan pala kalaki ang araw kapag lumulubog, Sweet.’’

“Oo. Mamaya lalo pa yang titingkad sapagkat nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Ang gandang tingnan ano, Love.’’

“Oo. ‘’Yan ang matagal ko nang gustong makita --- ang paglubog ng araw.’’

“Ngayon ay nakita mo na.’’

“Masaya na ako, Love, ha-ha-ha!’’

“Bukas puwede uli nating pagmasdan ang paglubog ng araw. Ilang araw pa naman tayo rito.’’

“Sige. Bukas kunan natin ng picture.’’

“Marami pa tayong papasyalan dito.’’

Nadako ang usapan nila para sa kanilang kinabukasan.

‘‘Plantsado na ang plano ko para sa iyo Love. Pagka-graduate mo next year, iaaplay kita sa kompanya namin. Kapag stable ka na, saka tayo pakakasal.’’

“Sunud-sunuran ako sa’yo Sweet. Kung paano mo ako kinupkop ganyan din ang pagpapaubaya ko sa anumang balak mo para sa akin. Alam ko kung gaano ka kahusay magplano.’’

“Salamat Love.’’

‘‘Wala akong tutol sa anumang balak mo dahil matalino kang magpasya.’’

“Salamat uli.’’

“Basta ang hindi ko lang maipagkakatiwala sa iyo ay ang…’’

“Ang ano?’’

“Alam mo na ‘yun.’’

“Ah, alam ko na.’’

“Kailangan pagkatapos ng kasal saka isusurender ang Bataan.’’

“Opo. Payag po ako.’’

Pinisil ni Jonas ang palad ni Ziarah.

Nang dumilim na, bumalik na sila tinutuluyang hotel.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with