^

Punto Mo

Katotohanan sa romantic love (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Tumataas ang level ng serotonin sa  utak kapag in love ang isang tao. Ang serotonin ang hormone na umaayos ng ating mood, sleep at appetite. Kapag napasobra ang serotonin, ang pag-ibig na nadarama sa isang tao ay nagiging obsession. Therefore, totoong nakakabaliw ang pag-ibig.

• Ayon sa pag-aaral na ginawa ng University of California, ang pakikipagkuwentuhan ng isang lalaki ng 5 minuto sa  magandang babaeng crush niya ay nakakabuti sa kanyang mental health.

• Mas pinipili ng 40 percent ng mga kababaihan sa Amerika na ang lalaking may pinag-aralan kaysa guwapo ito.

• Sa mga naniniwala sa LOVE at FIRST SIGHT, mga 50 percent sa kanila ay aktuwal na naranasan  ito.

• Sa mga kababaihan, mga 5 hanggang 7 beses muna silang mai-in love bago dumating sa punto ng pagpapakasal.

• Kahit karamihan sa mga lalaki ay hindi umaamin, mas mataas ang level ng kasiyahan na nadarama nila kapag nagyayakapan sila ng karelasyon kumpara sa kasiyahan na nadadama ng babae.

• Mas dumodoble ang attractiveness ng isang lalaki sa mata ng isang babae kung malalaman niyang marami ang nagkaka-crush dito.

• Kadalasang mas malaki ang kinikita at mas maganda ang kinahihinatnan ng career ng mga single women kumpara sa counterpart nilang may asawa.

• Base sa survey on line, mga 60 percent ang umamin na ginagamit nila ang Facebook para mang-stalk ng kanilang “ex”.

• Kapag may gusto sa iyo ang isang tao, may tendency siyang humilig sa iyo kapag magkatabi kayo sa upuan. Kung wala itong gusto, ang galaw ng kanyang katawan ay palayo mula sa iyo.

• Mas attractive sa mga lalaki ang babaing may malaking puwet dahil ang tingin nila ay indikasyon ito ng fertility.

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with