Ang babae sa aparador (182)
NANG mapagod sa pamamasyal, naupo sina Jonas at Ziarah sa konkretong upuan na nasa isang park sa loob ng mall. Maraming mag-partner ang nakaupo at nagkukuwentuhan sa nasabing parke.
“Napagod ka Love? Malayo rin ang nilakad natin.’’
“Sanay ako sa lakaran, Sweet. Remember nung nasa probinsiya tayo at iniligtas mo ako sa manyakis kong amain, malayo ang nilakad ko. Lakad-takbo ang ginawa ko noon para hindi ako abutan. Hanggang sa makarating ako sa highway at nagdaan ka. Tinulungan mo ako. Sinagip mo ako sa kapahamakan.’’
“Tandang-tanda mo pa yun, Love?’’
‘‘Oo naman, Sweet. Malilimutan ko ba ang mahalagang araw na iyon na iniligtas mo ako sa kapa-hamakan?’’
‘‘Parang kailan lang ano, Love? Eto nga at magtatapos ka na kolehiyo.’’
‘‘Oo. Lahat nang magagandang nangyari sa buhay ko ay dahil sa iyo. Hindi mo ako pinabayaan.’’
‘‘Talagang hindi kita pababayaan. At hindi na rin kita hahayaang magtago sa aparador…’’
Napangiti si Ziarah.
“Ang sama ko ano, Love? Pinagtatago kita sa aparador para sa pansarili kong kaligayahan. Patawarin mo ako Love.’’
Namalisbis ang luha ni Ziarah.
“Sorry sa mga nang- yari, Love.’’
Tumango si Ziarah. Basa ng luha ang mga mata.
‘‘Susuklian ko ng pagmamahal ang mga nagawa ko,’’ sabi ni Jonas at pinisil ang daliri ni Ziarah.
MINSAN isang umaga, may sinabi si Jonas kay Ziarah.
‘‘Love gusto ko naman ay mag-beach tayo. Okey sa’yo?’’
‘‘Oo. Kailan mo gusto?’’
“Next week.’’
“Sige. Maisusuot ko na rin ang two-piece ko…’’
“Wow!’’
(Itutuloy)
- Latest