^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (179)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKAABANG na si Jonas sa paglabas ni Ziarah. Tinotoo nito ang sinabi na hindi papasok sa opisina para masundo si Ziarah sa school paglabas nito.

Masayang-masaya si Ziarah sapagkat sa unang pagkakataon ay uuwi siya ng bahay na nakasakay sa malamig at mabangong kotse. Hindi na niya kailangang makipag-agawan sa pagsakay sa jeepney. Halos dalawang taon din siyang nag-commute.

Pinagbuksan siya ng pintuan ni Jonas. Sumakay siya.

Umalis na sila.

Masaya si Ziarah.

‘‘Sweet, nakita ka ng classmate ko. Ang guwapo mo raw!’’

“Guwapo ba ako Love?’’

“Oo.’’

“Talaga?’’

“Oo nga!’’

“Maniniwala ako kung hahalikan mo ako ngayon din.’’

“Sira! Kung mabangga tayo.’’

“Ititigil ko!’’

“Huwag kang pasaway! Saka na lang ang mga iniisip mo.’’

Humalakhak si Jonas.

Saka malambing itong nagsalita.

‘‘Huwag munang tayong umuwi, Love.’’

“Saan tayo pupunta?’’

“Kumain tayo sa paborito kong restaurant tapos manood tayo ng sine.’’

“Ayaw mo na sa luto ko kaya kakain tayo sa labas.’’

‘‘Hindi! Gusto ko naman ay magkasama tayong kakain sa labas.’’

“Sige.’’

Tinungo nila ang paboritong restaurant­ ni Jonas --- isang sea­food restaurant sa Makati Avenue.

Habang patungo roon ay masayang-masaya ang pakiramdam ni Ziarah. Sa wakas, siya na ang kasama ngayon ni Jonas --- hindi na ang manlolokong si Kat.

Pero nangamba si Ziarah, paano kung ma­kita nila si Kat sa pupuntahang restaurant?

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with