EDITORYAL - Subukan muna ang bagong PhilHealth chief
EDITORYAL - Subukan muna ang bagong PhilHealth chief
(Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

PAYAG si President Rodrigo Duterte na buwagin o kaya ay isapribado ang Philippine Health Insu-rance Corp. (PhilHealth) dahil sa mga nangyayaring katiwalian dito. Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nang makaharap ang Presidente noong Miyerkules. Nakipag-meeting umano si Sotto sa Presidente sa Malacañang kung saan napag-usapan nila ang Universal Health Care Act, PhilHealth Law at ang posibleng pag-amyenda sa Anti-Red Tape Law.

Gusto raw ng Presidente na i-abolished na o isa­pribado ang PhilHealth pero iminungkahi raw ni Sotto na maghintay muna ng ilang buwan at tingnan muna kung may magagawa ang bagong PhilHealth chief na si Dante Gierran. Ipinaliwanag umano ni Sotto na ang PhilHealth ay insurance corporation at hindi Health entity.

Inilagay ng Presidente si Gierran, isang linggo makaraang magbitiw si dating PhilHealth chief Ricardo Morales. Si Gierran ay dating director ng National Bureau of Investigation (NBI). Nang tanggapin ni Gierran ang posisyon, humingi siya ng pang-unawa at bigyan daw ng pagkakataon ang PhilHealth na makabangon. Gagawin daw niya ang lahat para maibalik ang pagtitiwala sa PhilHealth.

Talamak ang korapsiyon sa PhilHealth at ang mga sangkot ay mga matataas na opisyal nito. Noong Lunes, inaprubahan na ni Duterte ang pagsasampa ng kasong graft kay Morales at anim na iba pang matataas na      opisyales. Hindi naman kasama sa mga kinasuhan si Health Sec. Francisco Duque III sa kabila ng mga akusasyon na mayroon umano itong pananagutan.

Sumingaw ang korapsiyon sa PhilHealth nang ibulgar ng ilang tauhan nito ang “mafia” sa loob na minamaniubra ng mga matataas na opisyal. Kabilang sa mga alegasyon ay ang procurement ng overpriced IT equipment; kuwestiyunableng pag-release ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM); at ang manipulation ng financial status ng ahensiya.

Huwag munang buwagin ang PhilHealth at tingnan ang magagawa ni Gierran. Baka makaya pa niyang itayo ang inaanay na PhilHealth. Subukan muna siya. Kung hindi niya makaya, saka gawin ng Presidente ang nararapat.

 

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with