^

Punto Mo

‘Police shaming’, ayaw ni Cascolan!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

INUNGKAT ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang isyu na “police shaming” na matagal nang nakabaon sa lupa. Hindi maintindihan ng mga kosa ko kung ano ang layunin ni Cascolan sa ginawa niya subalit marami ang nagsasabing nais niyang bumawi sa kan­yang mistah  na si retired PNP chief Oscar Albayalde.

Ang “police shaming” kasi mga kosa ay ginawang programa ni Albayalde, noong NCRPO chief siya para nakaalerto ang mga pulis kapag duty sila sa gabi at hindi patulug-tulog at palaging naging tampulan ng batikos ng mga Pinoy. Subalit ayaw ni Cascolan nito, noong NCRPO chief pa siya. At dahil magkasalungat ang pananaw nila ni Alba­yalde, aba na-relieve si Cascolan sa NCRPO at na-reassign sa Civil Security Group (CSG) sa Camp Crame.

Nang pumalit si General Guillermo Eleazar kay Cascolan bilang NCRPO chief, ginaya niya ang programa ni Albayalde at sa katunayan todo suporta rito si President Digong. Get’s n’yo mga kosa? Dahil sa pag-ungkat niya ng isyu, parang namuo ang matagal ng hinala ng mga kosa ko na may kimkim na galit si Cascolan kay Albayalde at dinamay pa niya si Eleazar, na lieutenant general na sa ngayon at Deputy Chief for Administration o No. 2-man ng PNP. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Kung sa tingin ni Cascolan ay 3-point shot pa itong pagbuhay niya ng “police shaming” para naman sa mga kosa ko sablay pa rin ang tira n’ya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang nais kasi ni Cascolan ay warningan muna ang mga pulis na nahuling natutulog sa gabi at hindi ibilad sa media. At siyempre, dahil siya na ang tinatawag na tatay ng 160,000 na police force, natural lang na siya na ang masunod sa maikling panunungkulan niya. Kaya lang, hindi lang ang programa ni Albayalde ang inaayawan ni Cascolan kundi maging ang mga bata niya at ang mga alipores ng isa pa niyang mistah na si retired General Archie Gamboa na pinagsisibak niya.

Sa paningin tuloy ng mga kosa ko sa Camp Crame, benggador si Cascolan at hindi ito maganda sa imahe ng PNP, na pataas na ang morale at welfare sa liderato ni Gamboa. Araguuyyyy! Mukhang mauubos na ang “last two minutes” ni Cascolan at wala pang nai-shoot sa 3-points try niya.

Sa Laging Handa press briefing, sumang-ayon si Eleazar sa adhikain ni Cascolan na tingnan din ang morale ang welfare ng kapulisan bago sila parusahan kapag nahuling patulug-tulog tuwing duty nila. Ang kautusan ni Cascolan na paalalahanan muna ang mga tulog na pulis ay ginagawa na sa ngayon ng mga police commanders, ani Eleazar, ang pinaka-senior na sa hanay ng ating PNP. Subalit iginiit ni Eleazar na kapag paulit-ulit na ginawa ng mga pulis ang pagtulog sa duty matapos warningan ay dapat hindi rin sila kunsintihin ng liderato ng PNP. Tumpak, di ba mga kosa?

Kaya ang panawagan ni Eleazar sa kapulisan, gumawa ng tama para hindi sila mapahiya kapag nahuli sa inspection ng mga unit commanders na tulog sa oras ng duty. Ayon kay Eleazar, ayaw din ni Cascolan na gamitin ng mga pulis ang mga recovered stolen vehicles sa kanilang operation “at wala pong kapatawaran ito.” Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with