^

Punto Mo

Tapos na ang kuwento!

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Para wala nang pagtatalo, binigyan na ni Pangulong Digong ng absolute pardon si US  Marine Joseph Scott Pemberton kaya tuluyan na itong makakalaya.

Wala na ang balitaktakan sa kuwentahan sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na inaasahan nang mahabang panahon na naman ang gugugulin sa magiging pagtatalo.

Nauna nang ipinag-utos ng Olongapo City RTC ang pagpapalaya kay Pemberton sa ilalim ng GCTA.

Siyempre marami ang tumutol  hanggang mismong ang DOJ pa nga ang maghaharap sana ng motion for reconsideration.

Ngayon tapos na ang kuwento, nagpasya na ang Pangulo at siya na ang nagdedisyon ukol dito.

Ipinaliwanag din naman ng Pangulo kung ano ang pinaghugutan niya sa pagpapasya na ayon nga sa kanya, walang record na magpapatunay na hindi karapat-dapat si Pemberton na  mabigyan ng credits para sa GCTA.

Wala naman umanong naging report o ulat na nagwala ito habang nakapiit. Nakuwenta at inirekomenda na ang pagpapalaya dito kaya kailangan na maging fair umano.

Sa nakalipas kong kolum, nabanggit ko na rin ang pananaw dito ng mga abogado na aking nakausap.

Ayon sa kanila, hindi naman magdedesisyon ang lokal na korte na palayain si Pemberton sa ilalim ng GCTA kung hindi niya ito pinag-aralan nang husto.

Nahatulan at nakulong si Pemberton alinsunod sa ipinaiiral na batas sa Pinas at  marapat din na ang pagpapalaya rito ay ayon din sa batas, ayon naman ito kay Sen. Tito Sotto.

Kung may batas sa GCTA para sa mga bilanggo, kabilang dito o aplikable dito si  Pemberton.

Wala umanong kinikilingang nasyonalidad ang ipinaiiral na batas.

Marami ngayon ang nag-iingay, pero ang ilan dito makikitaan na may kulay politika na naman para lamang batikusin ang naging desisyon ni Digong.

Basta ang malinaw dito, wala nang makapagpapabago sa pasya ng Pangulo, lalaya si Pemberton.

vuukle comment

SCOTT PEMBERTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with