^

Punto Mo

Lalaking naka-jetpack, nakipagsabayan diumano sa mga eroplano sa Los Angeles

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG misteryo kung sino o kung ano ang namataan kamakailan ng mga piloto ng ilang pampasaherong eroplano sa Los Angeles habang sila ay papalapag sa Los Angeles International Airport.

Maririnig sa recording ang pag-uusap ng isang piloto ng American Airlines at ng air traffic control ng nasabing paliparan ukol sa isang lalaking lumilipad malapit sa eroplano.

“Tower, American 1997, we just passed a guy in a jetpack,” ang maririnig na sabi ng piloto sa recording.

Ayon sa piloto, 10 milya ang layo nila mula sa airport nang makita niya ang lalaking naka-jetpack na lumilipad sa taas na 3,000 talampakan. Nasa 300 metro raw ang layo nito mula sa eroplano.

Matapos lang ang 10 minuto, isa pang piloto ng ibang eroplano ang nagsabi rin sa air traffic control na may namataan din siyang lalaking lumilipad na may suot na jetpack.

Dahil dito, nagbigay na ng babala ang air traffic control sa ibang eroplano na patungo sa airport na mag-ingat dahil may taong lumilipad na naka-jetpack malapit sa paliparan.

Iniimbestigahan na ng Federal Bureau of Investigation ang pangyayari.

LOS ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with