Itinapong lumang telebisyon, may $100,000 pala sa loob!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 25, 2020 - 12:00am

GULAT na gulat ang isang empleyado ng recycling company sa Canada nang matuklasan na may lamang $100,000 (katumbas ng higit P5 milyon) ang isa sa mga itinapong TV set na kanilang pino-proseso sa planta.

Kinakalas ng empleyado ang lumang TV set nang madiskubre niyang may laman itong bungkos-bungkos na dolyares.

Ayon kay Rick Deschamps, general manager ng planta,

apat na makakapal na bungkos na tig-$50 ang nakita sa loob ng TV.

Bukod sa salapi, may mga natagpuan ding dokumento sa loob ng TV kaya mabilis na natunton ng mga kinauukulan ang 68-anyos na lalaki na dating nagmamay-ari ng TV.

Hindi na kinilala ang lalaki, na nag­sabing inipon niya ang salaping natag­puan sa TV upang ipamana sana sa kan­yang mga mahal sa buhay kapag siya ay namayapa na.

Ngunit nakalimutan na niya ang tungkol dito nang ibigay niya sa isang kaibigan ang lumang TV.

Ibinalik ng mga pulis sa lalaki ang $100,000 at pinayuhan ito na ilagay sa isang savings account ang limpak-limpak na salapi at huwag sa loob ng TV.

 

CANADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with