^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (140)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINASYA ni Ziarah na kumain na ng hapunan nang sumapit ang 8:30 ng gabi at wala pa si Jonas.

Kailangang kumain siya sapagkat baka biglang mag-text si Jonas at sabihing kasama niya si Kat.

Baka magkumahog na naman siya sa pagtatago kapag ganun ang nangyari.

Siniguro niyang busog siya para kung magtago man siya sa kuwarto niya hanggang bukas ng umaga at may laman ang tiyan niya.

Pagkatapos kumain, inihanda naman niya ang mga kailangan habang nagtatago sa kuwarto.

Inihanda niya ang tubig, biskuwit, kape, asukal at gatas. May sarili siyang electric airpot sa kuwarto at meron ding rice cooker. Kung magtatagal si Kat, may naka-stock siya sa kuwarto.

Nang maihanda ang lahat nang kakailanganin sa kanyang kuwarto, pagod na pagod siya.

At lihim na naman siyang nakadama ng galit sa malan-ding si Kat.

Kung hindi dahil sa malanding babaing yun, hindi siya magmamadali sa paghahanda ng mga kakailanganin.

Dahil sa lalakerang iyon kaya nasisira ang plano niya.

Sa halip na nag-aaral na siya ng lesson e ito at ang pag­hahanda sa mga dapat gamitin sa panahon nang pagtatago niya ang pinagkakaabalahan.

Malandi ka Kat! Malandi!

Pero naiinis din siya kay Jonas dahil hindi niya malaman kung bobo ito o matalino.

Saan naman nakakita na pagkatapos bugbugin ng lalaki ni Kat ay eto at patatawarin pa rin ang lalakera.

Tanga ka Kuya Jonas! Sobrang tanga mo!

Pagkatapos ay huminga nang malalim si Ziarah.

Naiinis siya sa sitwasyon na tago nang tago!

Kailan kaya siya matatahimik?

Bumuntung-hininga uli siya.

Pinayapa ang sarili. Wala siyang magagawa. Ganito talaga ang dukha at ulilang lubos. Laging nakikisama. Laging nakikitungo kahit hindi tama.

Wala siyang magagawa kundi ang sumunod.

Pinakalma niya ang sarili.

Nang maihanda ang lahat sa kuwarto niya, nagbalik siya sa ibaba para abangan si Jonas at ang pag-text nito.

Pinatay niya ang ilaw sa salas.

Pumuwesto siya sa may bintana.

Nang mag-9:00 ng gabi, biglang nag-text si Jonas.

Nagkumahog si Ziarah para basahin iyon. (Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with