^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (139)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO kumalma si Zia­rah. Hindi siya dapat magpakita ng inis kay Jonas dahil sa balak nitong pagpapatawad at pakikipagbalikan kay Kat.

“Hindi mo na ako sinagot, Ziarah,” sabi ni Jonas.

Napapitlag si Ziarah.

‘‘Ano nga ang tanong mo Kuya?’’

‘‘Kung tama ba na patawarin ko si Kat? Ano ang honest opinion mo?’’

‘‘A e kung gusto mo siyang patawarin Kuya e di patawarin mo.’’

“Para sa iyo, tama lang ‘yun?’’

Tumango na lang si Ziarah.

Ano ba ang isasagot niya? Bahala siya kung gusto niyang patawarin ang lalakerang ‘yun!

“So baka patawarin ko na nga si Kat. Nagmamakaawa na tanggapin ko. Nagsisisi na raw siya sa nagawa sa akin. Lahat naman ay nagkakamali di ba Ziarah? Wala namang perpekto. Siguro talagang kami ang magkapalad. Sa kabila ng mga nangyari ay kami pa rin sa dakong huli.’’

Pero kung alam lang ni Jonas, kumukulo ang loob ni Ziarah.

Tanga ka Jonas! Tanga ka! Niloko ka na e tatanggapin mo pa ang babaing ‘yun?

ISANG gabi, nag-alala si Ziarah sapagkat pasado alas siyete na ay wala pa si Jonas.

Lagi siyang nakatanaw sa labas ng bintana.

Lagi rin niyang tinitingnan ang cell phone at baka may message si Jonas.

Usapan nila na kapag kasama si Kat ay iti-text ni Jonas sa kanya.

Hanggang sa mag-alas otso ng gabi. Wala pa si Jonas. At wala ring text.

Kung anu-ano ang naiisip ni Zia­rah.

Baka nagkasundo na ang dalawa?

Baka kasama ngayon?

Sana, hindi ka­sama ni Jonas ang malanding si Kat!

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with