Ang babae sa aparador (138)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

GULAT na gulat na napatingin si Jonas kay Ziarah.

Hindi nito inaasahan ang pagalit na sagot ni Ziarah.

Mahinahon ito na nagtanong.

“Galit ka ba Ziarah?’’

Tila nahimasmasan si Ziarah. Nakapag-isip-isip sa ginawi.

“Naku! Hindi Kuya! Hindi po ako galit.’’

“Akala ko e galit ka. Nga-yon lang kita kasi narinig na nagsalita nang pabigla. Hindi ako sanay.’’

“Sorry Kuya. Napadiin lang ang sagot ko pero hindi ako galit.’’

“Kala ko galit ka, ha-ha-ha!’’

“Ba’t naman ako magagalit Kuya?’’

“Oo nga ano? Teka nasaan na ba ako sa kinukuwento. A, yun nga paano kung magyaya uli rito si Kat. E di magtatago ka na naman. Nakakahiya sa iyo, Zia­rah.’’

“Okey lang Kuya. E kailan kaya naman siya pupunta rito?’’

“Ah wala pa. Hindi pa nga kami nagkikita. Yun e kung magyayaya lang naman siya. Pero wala pa.’’

“Akala ko e pupunta na siya rito ura-urada.’’

“Hindi. At saka iti-text ko sa’yo kung kailan para makapaghanda ka sa pagtatago.’’

“A oo Kuya. I-text mo agad sa akin para hindi ako natataranta.’’

“Oo. Baka sa aparador ko naman ikaw magtago, haa-aha-ha!’’

Ngumiti lang si Ziarah pero sa totoo lang gusto niyang sabihan ng ‘‘tanga’’ si Jonas.

‘‘Sa palagay mo Ziarah, tama na patawarin ko si Kat?’’

Patda si Ziarah.

Sabihin kaya niya rito na huwag nang patawarin ang malandi at lalakerang yun!

(Itutuloy)

ANG BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with