^

Punto Mo

Inang black bear sinagupa ang Bengal tiger na tangkang lumapa sa kanyang anak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NASAKSIHAN ng mga turista sa isang wildlife safari sa Central India ang kagila-gilalas na pangyayari sa kanilang paglilibot.

Nakita nila mismo ang aktuwal na pakikipagsagupa ng isang inang black bear sa isang mabangis na bengal tiger na nagtangkang lumapa sa kanyang anak.

Nagmistulang ringside seats ang puwesto ng mga turista habang pinapanood ang paglalaban ng dalawang hayop na tumagal ng 15 minuto.

Pinatulan ng inang bear ang tiger nang makita niya itong aaligid-aligid sa kanyang anak.

Pambihira ang pagpapakita ng bangis ng bear dahil hindi naman kilala ang mga ito sa pagiging agresibo.

Noong una, tagilid ang bear sa laban dahil nadaganan siya ng tiger. Pero nagawa niyang makaalpas sa tiger.

Ang ginawa ng bear para magmukhang mas malaki at mas nakakatakot, tumayo ito sa dalawang mga paa bago sinugod ang tiger at nakipaglaban nang todo.

Walang nagawa ang tiger. Umatras ito dahil sa mga sugat na kanyang natamo sa bear.

Bagama’t panalo, nasugatan din ang black bear sa pakikipaglaban.

Hindi humihinga ang mga turista sa nasaksihang sagupaan ng dalawang hayop. Bihira ang ganoong pagkakataon.

Ayon sa tour guide na kumuha ng video ng pangyayari, malaki raw talaga ang tsansa na magtagpo at magsagupa ang mga black bears at tiger sa India. Nasa India raw kasi ang kalahati ng kabuuang populasyon ng mga tiger sa buong mundo ganundin ang black bears.

vuukle comment

BENGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with