Maaari ko bang ipa-deport ang asawang nasa abroad na hindi nagbibigay ng suporta sa amin?
DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - August 6, 2020 - 12:00am

Dear Attorney,

Hindi na po nagbibigay ng suporta ang asawa kong OFW para sa dalawa naming anak. Maaari ko po ba siyang bantaan na ipapa-deport ko siya upang mapilitan siyang magbigay ng sustento? —Mina

Dear Mina,

Hindi angkop ang pro-seso ng deportation para sa problema mo sa iyong asawa. Ang proseso kasi ng deportation ay nasa kamay ng mga kinauukulan ng bansa kung nasaan ang OFW at sila lamang ang makakapagpasimula at makakapagdesis­yon sa prosesong ito.

Bukod dito, ang dahilan ng deportation ay karaniwang ukol sa paglabag sa batas ng bansa kung nasaan ang OFW at hindi sa paglabag sa mga batas ng Pilipinas.

Mas angkop kung magsasampa ka ng kasong kriminal laban sa asawa mo sa ilalim ng Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) dahil pinaparusahan din sa nasabing batas ang hindi pagbibigay ng suporta sa babae at sa kanyang mga anak.

Sakaling maisyuhan ng warrant of arrest o mapatunayang guilty ang asawa mo ay maaari mo na itong gawing basehan upang ipakansela ang kanyang passport na maaaring maging dahilan upang siya ay mapauwi ng Pilipinas.

DEPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with