Ang babae sa aparador (128)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

HABANG kumakain si Jonas ay nakabantay si Ziarah at naghihintay kung may iuutos.

“Ipagpatuloy mo na ang pagrerebyu mo, Ziarah. Ako na ang bahala rito. Tatawagin na lang kita kapag may iuutos ako sa’yo. O kung gusto mo ay matulog ka na at ako na lang ang maghuhugas ng pinagkainan ko.’’

“Hihintayin kitang ma-tapos Kuya. Hindi pa naman ako inaantok.’’

“Sige. Siyanga pala, kumain ka na ba?’’

“Oo Kuya.’’

Hinihintay ni Ziarah na magkuwento si Jonas kung bakit ito naatrasado sa pag-uwi pero wala itong sinabi. Ipinagpatuloy nito ang pagkain. Mukhang nasarapan.

‘‘Ang sarap ng sabaw! Tamang-tama ang timpla’’

“Marami pa Kuya.’’

“Lagyan mo nga uli. Masarap ang mainit na sabaw. Gumuguhit sa lalamunan ang sarap.’’

Napangiti si Ziarah sa komento ni Jonas.

Nilagyan niya ng sabaw ang mangkok.

“Sanay na sanay ka nang magluto.’’

“Salamat Kuya.’’

Ipinagpatuloy ni Jonas ang pagkain.

Hinihintay pa rin ni Ziarah na magkuwento si Jonas kung bakit ito naatrasado ng uwi pero walang binanggit.

Sa halip ang pag-aaral nito ang tinanong.

“Kumusta uli ang studies mo?’’

“Ok po Kuya.’’

“Siguro maraming may crush sa’yo – matalino ka na e maganda pa!’’

“Naku wala Kuya!’’

Napangiti lang si Jonas.

Maya-maya tapos na itong kumain.

Iniligpit ni Ziarah ang pinagkainan.

KINABUKASAN ng hapon, mga 5:30 naglalakad pauwi si Ziarah galing school.

Nang malapit na siya sa bahay, gulat na gulat siya sapagkat may tumawag sa likuran niya.

‘‘Ziarah!’’

Si Joshua!

Nasundan siya!

(Itutuloy)

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with