Pirmahan ng deed of sale sa harap ng barangay, sapat na ba?

Dear Attorney,

Ako po at ang binilhan ko ng lupa ay nagpunta sa barangay at doon sa harap ng kapitan kami nagpirmahan ng deed of sale. May nakapagsabi po sa akin na dapat daw ay sa notaryo na lang kami pumunta dahil wala raw bisa yung deed of sale kung sa barangay lang namin ginawa ang pirmahan. Tama po ba ang sabi sa akin? — Jose

Dear Jose,

May bisa pa rin naman ang pinirmahan ninyong deed of sale dahil isa itong kasunduan na malinaw na pinasok mo at ng iyong pinagbilhan ng lupa.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng James Estreller, et al. v. Luis Miguel Ysmael, et al. (G.R. No. 170264, March 13, 2009) at  Tigno v. Aquino,[ 486 Phil. 254, 268 (2004)], hindi naman makakaapekto ang kakulangan ng notarisasyon sa bisa ng isang deed of sale na ukol sa bentahan ng lupa. May bisa pa rin ang naging transaksyon at kailangang tuparin ng mga pumirma sa dokumento ang kanilang mga napagkasunduan.

Iyon nga lang, kakailanganin n’yo pa ring ipa-notaryo ang deed of sale ninyo dahil malinaw sa Section 112 ng P.D. 1529 o Property Registration Decree na kailangang notaryado ang deed of sale upang mailipat sa seller ang pangalang nakalagay sa titulo.

Samakatuwid ay may bisa ang pinirmahan niyong deed of sale ng seller mo kahit sa ngayon ay hindi pa ito notaryado ngunit kakailanganin n’yo pa ring dumaan sa notaryo upang mailipat sa pangalan mo ang titulo ng lupa.

 

Show comments