Multa, kulong sa di magpe-face mask, dapat lang!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - July 10, 2020 - 12:00am

Dahil na rin marahil sa ayaw paawat ng mga pasaway, nagkanya-kanya na ng aksyon ang mga local government units (LGUs) partikular sa Metro Manila, para mapanagot ang mga ito sa comunity quarantine.

May mga nagsa-suggest na rin na paghuhulihin na ang mga ito at bigyan ng leksyon, dahil sa pagiging pasaway na nagiging dahilan  kaya naman patuloy sa pagtaas ang bilang ng nagpopositibo sa COVID.

Sa ibat-ibang lungsod sa Kalakhang Maynila, talagang ‘one time-bigtime operations’ na ang isinasagawa laban sa mga ‘pasaway’ sa kani-kanilang mga lugar.

Bukod dito, may ilan pang LGUs ang nagpasa na rin ng mga bagong ordinansa na magpaparusa sa mga ito.

Bukod sa multa may kaakibat ding kulong lalu na sa mga mahuhuling hindi nagsusuot ng face mask sa labas ng bahay.

Talagang matitigas ang ulo, napaka-simpleng patakaran hindi pa tinutupad at binabalewala lamang.

Daldal nang daldal walang suot ng face mask, may suot man nasa baba naman, tapos haharap sa kanyang kapwa.

Sa mga nakalipas na araw, matindi ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID na talagang nakakaalarma.

Nakikitang dahilan dito ay ang pagiging pabaya ng marami, akala yata komo hindi na ECJ (enhanced community quarantine ) ang pinaiiral eh ganun na lang yon. 

Naku, tandaan nandyan pa rin ang COVID na hanggang sa ngayon eh wala pang natutuklasang bakuna para ito malabanan.

Ang virus na ito na sinasabing mas lalong nakakahawa sa kasalukuyan ay nadyan lang at naghihintay ng bagong masasaniban.

Kaya nga kung magiging relax sa mga ipinatutupad na protocol mas lalo itong lalaganap, kaya please lang ‘wag nang matigas ang ulo, ‘wag nang paasikaso at ‘wag nang maging pasaway.

 

              

 

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with