^

Punto Mo

EDITORYAL - Panibagong ‘batik’ sa PNP

Pang-masa
EDITORYAL - Panibagong �batik� sa PNP

WALANG ibang sumisira sa bakal kundi ang kalawang. Ganito ang nangyayari sa Philippine National Police (PNP). Maraming kalawang sa PNP at ito ang unti-unting sumisira. Kahit pa mahusay ang pamumuno ni PNP chief Gen. Archie Gamboa at walang tigil ang kanyang pagreporma sa mga tauhan, marami pa rin ang sumisira sa sariling organisasyon. Sila mismo ang naglulubog at naghahatid ng “batik”. Ang pagkakaroon ng “batik’’ ang dahilan kaya mababa pa rin ang imahe ng PNP sa paningin ng taumbayan. Hindi pa rin nawawala ang kanilang takot kapag nakita ang asul na uniporme ng pulis. Kakaiba ang nadaramang takot sapagkat sa halip na maging takbuhan ang pulis ng mamamayan sa oras ng panganib, ang mga ito pa ang umaabuso at nagsasamantala.

Sino naman ang hindi matatakot sa ginawa ng dalawang pulis sa Ilocos Sur na ang kanilang ginahasang dalagita na nagreklamo sa sinapit ay inabangan at pinatay nila mismo.

Ang dalawang pulis ay nakilalang sina Sgts. Randy Ramos at Marawi Torda. Ayon sa report, inaresto ng dalawang pulis ang dalagita at ang pinsan nitong babae dahil sa curfew. Pero sa halip dalhin sa DSWD sa isang bahay umano dinala ang dalawa at ginahasa. Makaraan ang panggagahasa, pinakawalan na umano ang dalawa.

Nagsampa ng reklamo ang dalawang menor-de-edad laban sa dalawang pulis. Habang papauwi ang dalawa makaraang magreklamo sa piskalya, dalawang magkaangkas sa motorsiklo ang bumaril sa kanila. Napatay ang isa sa mga dalagita habang ang isa ay nakaligtas.

Positibong itinuro ng nakaligtas na ang dalawang pulis na nanggahasa sa kanila ang bumaril sa kanila. Nahuli ang mga pulis at umamin sa krimen.

Nang makaabot sa kaalaman ni General Gamboa ang ginawa ng dalawang pulis, galit na galit ito. Wala raw kuwentang pulis ang mga ito. Hindi raw tao ang mga ito kundi mga hayop na dapat mabulok sa bilangguan dahil sa ginawang panggagahasa at pagpatay.

Hindi lamang ganito ang ginagawa ng ilang pulis. May sangkot sa illegal na droga, pangongotong, pa-ngingidnap at iba pang masamang gawain.

Matinding reporma ang dapat isagawa ni General Gamboa sa pinamumunuan para pagtiwalaan ng mamamayan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with