^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“O bakit parang natigilan ka, Ziarah? Ayaw mo bang sumama sa akin para kumain sa labas? Magseselebreyt tayo dahil napakahusay mo sa klase,’’ sabi ni Jonas na halatang masigla na at wala nang nararamdamang sakit ng ulo at pagkahilo.

‘‘E kasi Kuya…’’

“Anong kasi? Nahihiya ka?’’

“Hindi Kuya.’’

“O e ano at parang hindi mo alam kung sasama ka o hindi sa akin.’’

“Kasi Kuya baka makita tayo ni Kat --- yung siyota mo. Di ba lihim na lihim ang pagtira ko rito at nagtatago pa ako para hindi niya malaman tapos e isasama mo pa ako.’’

“Ah yun ba ang pinupro­blema mo? Huwag kang mag-alala at wala naman dito sa bansa si Kat.’’

“Wala Kuya? Nasaan siya?’’

“Nasa Hong Kong daw. Ewan ko. Naguguluhan ako. Sabi e nasa Japan. Kinokontak ko naman e hindi naman sinasagot.’’

“Ganun ba Kuya?’’

“Oo. Kaya bukas, tuloy tayo sa pagkain sa labas. Dun tayo sa sikat na restaurant sa Makati Av. Masarap dun.’’

“Hindi ba nakakahiya na kasama ako Kuya. Maid ,mo ako.’’

“Hindi kita maid ‘no!’’

Napangiti si Ziarah.

KINABUKASAN, nasa restaurant na sila sa Makati Av. Si Jonas na ang umorder ng kanilang pagkain.

Nangangalahati na sila sa pagkain nang may makita si Jonas sa di-kalayuan.

Si Kat! Nasa isang mesa at may kasama.

Nagtaka si Ziarah sa kilos ni Jonas.

‘‘Bakit Kuya?’’ 

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with