Barista, nakatanggap ng $87,000 na tip matapos hiyain ng customer na ayaw magsuot ng face mask
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

ISANG barista sa California ang nakatanggap ng $87,000 (higit P3.6 million) na tip matapos siyang hiyain ng customer na hindi niya pinagsilbihan dahil sa hindi nito pagsusuot ng face mask.

Nagpunta si Amber Lynn Gilles sa isang Starbucks branch sa San Diego, California nang siya ay tinanggihang pagsilbihan ni Lenin Guitierrez.

Upang makaganti, kinuhanan niya ng litrato ang barista at ipinost ito sa kanyang Facebook page noong Hunyo 22.

Kabaliktaran naman ang naging epekto ng tangka ni Gilles na panghihiya sa barista dahil sa halip na kampihan siya ng publiko, siya pa ang inulan ng batikos dahil sa pagtangging magsuot ng face mask at sa inasal sa barista.

Dahil sa awa ng mga tao, may nagmagandang-loob na gumawa ng website upang makalikom ng donasyon para sa barista.

Noong una, $1,000 lang ang target na donasyon kay Gutierrez pero mabilis na lumobo dahil nag-viral ang post ni Gilles at umabot ito ng $87,000.

Lubos tuloy ang pasasalamat ni Gutierrez sa mga nagbigay ng tip sa kanya. Ayon sa kanya, gagamitin niya ito sa pag-aaral ng dancing na matagal na niyang pangarap gawin.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with