PINAGMULTA ng mga pulis sa Austria ng 500 euros ang isang lalaki matapos siyang umutot nang malakas sa harap ng mga ito.
Ipinagtanggol naman ng mga police ang napakalaking multa na kanilang ipinataw. Sinadya raw kasi ng lalaki ang pag-utot dahil iniangat pa nito ang kanyang puwitan mula sa pagkakaupo.
Nagreklamo naman ang lalaki sa naging parusa sa kanya, na masyado raw mabigat para sa kasalanang iniaakusa sa kanya.
Ayon naman sa mga pulis, mahahalata raw sa kilos ng lalaki ang kawalan nito ng kooperasyon sa mga pulis at kagustuhan nitong sumuway sa kanilang mga ipinag-uutos kaya nararapat lamang ang mabigat na multang ipinataw nila.
May karapatan din naman daw ang lalaki na kuwestiyunin ang multa sa korte, dagdag pa ng mga pulis.