^

Punto Mo

Sapatos na size 75, ginawa sa Romania para sa social distancing

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG cobbler o tagagawa ng sapatos sa Romania ang gumawa ng European size 75 na sapatos para raw hindi makalimutan ng magsusuot nito ang pagsunod sa social distancing.

Ginawa ni Grigore Lup ang napakahabang sapatos matapos niyang mapansin na nakakaligtaan ng mga tao sa kanilang lugar ang mga safety guidelines laban sa COVID-19, kabilang na ang social distancing.

Katulad ng karamihan, naapektuhan ng pandemya ang negosyo ni Lup, na gumagawa ng mga pasadyang sapatos para sa kanyang mga parukyano.

Naisipan ni Lup na gawin ang size 75 na sapatos nang luwagan na ang lockdown sa kanilang lugar.

Minsan kasing nagpunta siya sa pamilihan ay napansin niyang magkakalapit na uli ang mga namimili at hindi na inoobserbahan ang pagkakaroon ng social distancing.

Kung isusuot daw ng dalawang tao ang kanyang likhang sapatos, masisigurado ang pagkakaroon ng isa’t kalahating metro sa pagitan.

Ayon kay Lup ay lima na raw ang umoorder ng kanyang likhang sapatos na inaabot siya ng dalawang araw sa paggawa at nagkakahalaga ng $115 (katumbas ng P5,750).

vuukle comment

SOCIAL DISTANCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with