Mahirap daw palitan si General Sinas
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 21, 2020 - 12:00am

SABI ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa noong Lunes, napakahirap daw palitan ni Gen. Debold­ Sinas bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Marami raw kasi itong programang may kinalaman sa COVID­-19.

Ang dating, tila baga wala nang ibang heneral ang PNP na kuwalipikado para sa posisyon.

Walang ibang magaling kundi si Sinas kaya walang puwedeng i-promote.

Sa pagkakaalam ko, mga programang may kinalaman sa pandemic na virus ay mula sa national government at implementasyon naman para sa parte ng mga awtoridad.

Noong una, sinabi niyang wala siyang nakikitang masama sa “mañanita” na ginawa mismo sa loob ng kampo ng NCRPO.

Subalit anumang mass gathering kabilang na rito ang birthday party at ‘di pagsasagawa ng social distancing ay mga paglabag sa quarantine protocols.

Babala ng PNP noon, lahat nang lalabag sa national government policies or directives in imposing quarantines ay makakasuhan ng violation of Republic Act 11469 o Bayanihan Heal As One Act.

Nakapagtataka, bakit paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang isinampang kaso ng Internal Affairs Service ng PNP kay Sinas at 18 opisyal?

Himayin natin ang ilang detalye. Ang parusa sa Republic Act 11469 ay 2 buwang pagkakabilanggo, P10,000 to P1 million fine at ang pinakamabigat, perpetual disqualification bilang opisyal ng gobyerno.

Samantalang sa Republic Act 11332, 1 hanggang 6 na buwang pagkakabilanggo at P20,000 to P50,000 na fine lamang.

Umaalingasaw ang amoy ng niluluto. Parang tunog “sagradong baka” kung iisipin.

Napakahirap daw palitan? Tell it to the marines!

GENERAL SINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with