^

Punto Mo

Balik-trabaho, negosyo asam na ng marami!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila na nasa ilalim pa rin sa community quarantine ang buong bansa, may ilang lugar ang nagnanais nang dahan-dahang makabalik sa normal.

Bagamat malayo pa talaga na masabing makabalik  tayo sa dati dahil nga hanggang sa ngayon ay wala pang natutuklasang vaccine laban sa COVID-19. Ayon nga sa Palasyo, hangga’t­ walang bakuna sa nasabing virus, matatagalan pa bago makabalik sa normal  ang bansa.

Sa ngayon hinahayaan nang unti-unting magbukas ang industriya o ibang negosyo sa ilang lugar na ramdam pa rin ang “pag-aray” ng marami sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa mga nakalipas na buwan, nagkaloob ng pinansiyal na tulong ang gobyerno lalo na sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng social amelioration program (SAP) .

Maging ang mga LGUs naglabas din ng kani-kanilang supplemental budget para matulu­ngan din ang mga hindi nakasama sa SAP.

Pero mukhang talagang kulang pa rin at hindi na makakasapat na masustentuhan pa ang mga ito sakaling humaba pa ang lockdown.

Nais na rin ng marami nating kababayan na makabalik sa kanilang mga trabaho at huwag nang umasa na lamang sa tulong ng gobyerno.

Aminado rin ang pamahalaan na hindi na rin kakayanin pa sakaling magkaroon ng second o third wave ng COVID at sakaling ibalik  ang  lockdown.

Ika nga lanos na ang kaban at  wala nang mailalabas ang pamahalaan para masustentuhan ang mamamayan.

Ito ang lubhang nakakaalarma, kaya nga kung nais nating  makabalik na sa dati, makabalik na sa paghahanapbuhay  magkipagtulungan na tayo na sundin ang lahat nang ipinatutupad na patakaran para di na lumala pa ang COVID-19.

Huwag nang magingt pasaway, para makamit ang tagumpay sa laban sa COVID.

 

vuukle comment

BALIK-TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with