^

Punto Mo

Ilang LGUs, tutol pa sa GCQ!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Anumang araw mula ngayon posibleng muling magpalabas ng bagong pahayag si Pangulong Digong, kung pala­lawigin­ pa ba o tuluyan nang isasailalim sa general community quarantine­ (GCQ) buhat sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Naka-ECQ pa rin kasi ang MM at iba pang lalawigan sa Luzon hanggang Mayo 15.

At dahil nasa isang linggo na lang kaya maaaring anumang araw ay maglabas ng desisyon dito ang Pangulo.

Pero ngayon pa lang maraming LGUs sa Metro Manila ang tila nagparamdam nang kanilang pagnanais na manatili pa sa kanilang mga lungsod o lugar ang ECQ.

Mas nais kasi nilang makatiyak na lubha nang bumaba na talaga ang bilang ng mga nagkaka-COVID sa kanilang lugar bago sila sumailalim sa ‘new normal’.

Base sa assessment ng health authorities sa kasalukuyang takbo eh, nananatiling mapa­nganib pa sa ngayon ang COVID-19.

Sa ilang lugar nga sa Kalakhang Maynila, may mga pagtaas pa sa bilang ang nagkakaroon nito.

Sakali nga naman kasi na alisin na ang ECQ, pihadong balik sa normal at doon marahil may posibilidad na tumindi uli ang mga kaso ng COVID.

Lalo nga naman at ang NCR ay may 67 percent ng confirmed COVID cases.

Sa ilalim ng GCQ, may ilang mga public transport na ang papayagang bumiyahe, may ilang negosyo na ang magbubukas na ito ang ikinatatakot.

Posible ring maging daan ang pag-aalis sa ECQ sa nakaamba namang ‘32rd wave’ ng virus.

Maging ang DOH ay nababahala rin  sa nakaambang ‘3rd wave’ ng COVID kaya nga hiniling nila sa pubiko na ‘wag maging kampante.

Bagamat nakikita na ang ‘fattening of the curve’ dahil sa pagbagal ng pagdoble sa mga naitatalang kaso, pero baka maiba ang scenario kung ipapatupad na ang GCQ.

Wait and see tayo sa magiging pahayag ng Pangulo at sa mga measures pa na ipapatupad para malabanan natin ang pandemic na ito.

Sa ngayon kailangan sumunod tayo sa mga ipinatutupad na protocols ukol dito.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with