^

Punto Mo

EDITORYAL - Respetuhin ang health workers

Pang-masa
EDITORYAL - Respetuhin ang health workers

LUBHANG mapanganib ang ginagampanang papel ng health workers ngayon. Sila ang nasa unahan at nakikipaglaban sa bangis ng COVID-19. Dahil sila ang mga nasa ospital na pinagdadalhan ng mga infected, karamihan sa kanila ay nahahawa. Dahil sila ang mas malapit, sila ang nasa panganib. Ayon sa huling report siyam na doktor na ang namamatay dahil sa COVID-19.

Hindi lang mga doctor kundi pati mga nurses, medical technologists, x-ray technicians at marami pa ay nakaharap sa panganib nang pagkahawa. Sila ang mga itinuturing na bayani na lumalaban ngayon sa COVID-19.

Kaya naman ang ginagawang diskriminasyon o panglalait ng ilan sa health workers ay hindi katanggap-tanggap. May ilang health workers na hindi lang iniirapan kundi sinasabuyan ng bleach o kaya’y chlorine para umano mamatay ang taglay na virus mula sa ospital na pinagtatrabahuhan. Sobra na ang ginagawang ito.

Isang lalaking health worker sa Sultan Kudarat ang nanganganib na mabulag dahil sinabuyan siya ng bleach ng apat na lalaki habang pauwi galing sa pagtatrabaho sa ospital. Ayon sa lalaki, nang makita umano siya na naka-uniporme pang-ospital, dali-dali umanong kumuha ng bleach ang mga lalaki at isinaboy ito sa kanya. Tinamaan ang kanyang mga mata at hindi siya makakita dahil sa hapdi. Nagma­madali umanong umalis ang mga lalaki. May tumulong sa health worker para madala ito sa ospital. Ayon sa mga doktor maaaring mabulag ang lalaki.

Sa Cebu City, isa pang lalaking health worker ang nakaranas ng diskriminasyon makaraang sabuyan­ naman ng chlorine sa katawan. Nang malaman umano na nagtatrabaho siya sa ospital, dali-daling may ku­muha ng chlorine at isinaboy sa kanya para ma-di­sinfect. Ayaw daw nilang mahawa sa virus na maaaring­ dala ng lalaki mula sa ospital.

Respituhin ang health workers. Sa halip na pandirihan, dapat silang tulungan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga protective gears para makaiwas sa virus. Hindi sila dapat bastusin o hiyain sapagkat malaki ang ginagampanan nila para matulungan ang mga infected ng virus. Ipagkaloob sa kanila ang buong paggalang.

 

vuukle comment

HEALTH WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with