^

Punto Mo

Digong may babala sa mga mangungupit sa cash at relief!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagsalita na ang Pangulong Digong, P200 bilyon ang inilaan­ ng gobyerno para sa mga pamilyang naapektuhan ang kita at kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at sa umiiral na enhanced community quarantine.

Ito na nga ang pinakamalaking social protection program na inilunsad ng pamahalaan sa kasaysayan ng bansa. Kasi nga ngayon lang naman naganap ang ganitong krisis na talagang halos lahat ay naapektuhan hindi lang sa Pinas kundi sa malaking bahagi ng mundo.

Makakatulong umano ang naturang halaga para makabawi ang mga mamamayan sa nawalang economic opportunities dahil sa lockdown.

Marami na sa ating mga kababayan ang hinihintay na ito at mabiyayaan ng tulong ng pamahalaan.

May ilan lang  namang  mga tanong ang marami, kung  paano raw ang magiging set-up sa pami­­migay ng tulong.

Ano raw ba ang kanilang dapat gawin para makabilang sa mapagkakalooban ng tulong na ito at hindi malampasan?

Ito marahil ang dapat na malinawan, kasi walang nagpapaliwanag sa kanila sa lebel ng barangay.

At dahil malaking halaga ang pinag-uusapan dito, eto at nagbabala na ang Pangulo laban sa mga opisyal ng gobyerno na mangungupit at dedehado sa mga tao.

Ito yung mga malamang eh matukso at kuputin ang pera at relief goods na dapat ay para sa mga mamamayan.

Naku, umaayos-ayos kayo dahil hindi kayo sasantuhin ng Pangulo.

Wala kayong lusot, dahil may magmomonitor sa inyo.

‘Wag naman sanang sa mga ganitong pagkakataon ng matinding pangangailangan, magbalasubas ang ilang opisyal.

Isipin na para ito sa mga mahihirap at nangangailangan,

matakot sa balik o karma.

Dapat na makarating ang mga tulong na yan sa mga kinauukulan at hindi sa ibang mga kamay.

Hindi rin yan dapat na magamit sa pamumulitika, dahil hindi yan galing  sa inyong bulsa kundi sa kaban din ng bayan.

Matakot sa balik ng COVID.

 

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with