^

Punto Mo

EDITORYAL - Imbestigahan, pang-aabuso ng mga pulis sa checkpoints

Pang-masa
EDITORYAL - Imbestigahan, pang-aabuso ng mga pulis sa checkpoints

MAHIGIT dalawang linggo na ang mga checkpoints sa maraming bahagi ng Luzon mula nang isailalim enhanced community quarantine (ECQ). Hindi na lamang sa Luzon ginagawa ang paghihigpit kundi halos sa buong bansa na dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19. Bawat bayan at siyudad ay may kanya-kanya nang polisiya para hindi makapasok sa kanila ang virus. Total lockdown ang ginagawa sa ilang siyudad at bayan at walang makatutol dito sapagkat ito lamang ang tanging paraan para hindi na kumalat pa ang virus.

May mga nagrereklamo naman na may mga pulis na umaabuso sa pagpapatupad ng community quaran­tine. May mga pulis umanong nangha-harassed sa checkpoint. May mga pulis na parang martial law na ang pagpapatupad ng ECQ. Sabi ng ilan, nagpa-power trip na ang mga pulis na nasa checkpoint na para bang sila na ang makapangyarihan.

Ayon sa report, may ilang pulis mula sa Manila Police District (MPD) na nagmamando sa checkpoint­ ang nangha-harassed at pati babae ay walang pakun­dangan kung murahin at pagsalitaan ng kung anu-ano. Ayon sa mga nakasaksi, mistulang martial law ang asta ng mga pulis mula sa MPD.

Mayroon din umanong mga pulis na pinapayagan ang ilang naka-motor na may nakaangkas na makalampas sa checkpoint lalo na ang mga habal-habal. Ang habal-habal ang ginagawang pamasahero nga­yon mula nang ipagbawal ang public transport. Hina­hayaan ng mga pulis ang habal-habal dahil mayroon silang share sa kinikita ng mga ito.

Maliwanag ang sinabi ni President Duterte na hindi martial law ang pagpapatupad ng community quarantine subalit taliwas ito sa ginagawa ng ilang pulis sa checkpoint. Umakyat sa kanilang ulo ang pagiging diktador kaya sila lamang ang dapat masunod sa checkpoint.

Nararapat na alamin ni PNP chief General Archie Gamboa ang nangyayari sa mga checkpoint at baka sagad na ang pang-aabuso ng mga pulis. Baka ang inaasal nila ay masahol pa sa bangis ng COVID-19.

CHECKPOINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with