Lalaki sa Ohio, mabubuhay lamang sa pag-inom ng beer ngayong kuwaresma
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 1, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa Ohio ang nagsabing titigilan na muna niya ang pagkain at mabubuhay lamang daw siya sa pamamagitan ng pag-inom ng beer ngayong Kuwaresma sa layuning makapagtala siya ng bagong world record.

Plano rin ni Dell Hall na dagdagan pa ng 10 araw pagkalagpas ng Easter Sunday ang kanyang kakaibang fasting dahil nabasa niyang may iba nang nabuhay sa loob ng 40 araw sa pamamagitan lang ng pag-inom ng beer at gusto niyang higitan ang mga ito para sa world record.

Hindi naman nababahala si Hall sa dagdag na 10 araw dahil ang mga unang araw naman daw ang pinakamahirap sa kahit anong fasting.

Hindi na rin bago sa kanya ang “beer fasting’’ dahil nagawa na niya ito noong isang taon kung kailan 46 pounds ang nabawas sa kanyang timbang.

Sa kabila ng kanyang determinasyon ay hindi naman sigurado si Hall kung kilalanin ng Guinness World Records ang record niya kung sakaling tagumpay niyang matapos ang kanyang beer fasting.

BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with