Pancakes na may halos 430-talampakan ang haba, inilatag sa London M
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 29, 2020 - 12:00am

NAKAPAGTALA ng world record ang isang sports stadium sa Britain matapos i-assemble doon ang isang linya ng pancakes na umabot sa 429.3 talampakan ang haba.

Bilang selebrasyon ng Pancake Day, isang grupo ng mga chefs ang nagpunta sa Tottenham Spirs Stadium sa London at niluto ang 1,135 indibidwal na pancakes na isa-isang inihanay upang bumuo ng napakahabang linya.

Isang kinatawan ng Guinness World Record ang dumalo sa kaganapan at kinumpirma na nahigitan nito ang dating world record na 363.68 talampakang haba ng pancakes na inilatag sa Sydney, Australia noong Pebrero 2018.

Matapos makumpirma ang world record, ibinahagi ang mga pancakes ng isang charity group na lumalaban sa mga problema ng kagutuman at pag-aaksaya ng pagkain.

PANCAKES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with