^

Punto Mo

EDITORYAL – Ubusin ang ‘ninja cops’

Pang-masa
EDITORYAL � Ubusin ang �ninja cops�

SINABI ni President Duterte sa isang talumpati niya noong nakaraang linggo sa graduation ng public safety officers sa Davao City na kahit daw hindi na siya ang Presidente, patuloy pa rin niyang hahabulin ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs o ang “ninja cops”. Sabi pa niya, nararapat mamatay ang mga pulis na sangkot sa drug recycling. Ayon sa Presidente, ang mga pulis na nagre-recycle ng droga ay malaking banta sa susunod na henerasyon. Ang mga ito ang sisira sa kabataan. Kaya ang banta niya, huwag daw magkakamali ang “ninja cops” at mamamatay talaga ang mga ito.

Ang ninja cops ang dahilan kung bakit bigo ang Duterte administration sa kampanya laban sa illegal na droga. Kahit araw-araw ay may nahuhu-ling drug pushers at nakukumpiskang kilu-kilo ng shabu, hindi pa rin malutas ang problema sa droga. Ito ay dahil sa drug recycling na ginagawa ng mga corrupt na pulis. Ang nakukumpiska nila ay ibabalik uli sa kalye.

Ang problemang ito ay inamin na noon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mga corrupt na pulis at PDEA agents ang nagre-recycle ng droga. Ang mga nakukumpiskang shabu ay muling ibinabalik sa kalye at pinagkakaperahan ng mga tiwaling pulis. Ayon kay Aquino, masyadong talamak ang “recycling” ng droga.

Ang isyu sa ninja cops ang dahilan nang napa-agang pagreretiro ni dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde noong nakaraang taon. Sangkot ang 13 tauhan niya sa recycling ng droga noong siya pa ang Pampanga police director. Nadawit siya sa kontrobersiya at hanggang ngayon ang isyu ay hindi pa rin mamatay-matay. Kinasuhan at nasibak na ang kanyang mga tauhan na sangkot sa drug recycling.

Marami pang matataas na police officials ang iniuugnay sa droga. Nasa kontrobersiya ngayon si Police Lt. Col. Jovie Espenido, ang poster boy ni Duterte sa paglaban sa illegal drugs. Nasa listahan umano si Espenido ng mga sangkot sa drug trade. Itinanggi naman ito ni Espenido at sinabing black propoganda lamang.

Bigo ang drug campaign ng pamahalaan dahil sa ninja cops. At ang solusyon ng Presidente ay dapat mabura sa landas ang mga pulis na ito. Kung ito ang inaakala niyang nararapat, gawin na agad. Mas maaatim pang makita na nakatimbuwang ang ninja cops kaysa makita ang mga kabataan na nasira ang buhay at kinabukasan dahil sa paggamit ng illegal na droga. Ubusin ang “ninja cops”.

vuukle comment

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with