^

Punto Mo

Empleyado ng naluging kompanya, makakatanggap ba ng separation pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Magsasara na po ang kompanyang pinapasukan ko at sinabihan kami ng may-ari na hindi kami makakatanggap ng separation pay dahil lubhang nalugi raw ang kompan­ya. Wala ba talaga kaming karapatan sa separation pay kahit ang ilan sa amin ay napakatagal nang empleyado ng kompan­ya? -- Eddie

Dear Eddie,

Nakasaad sa Article 283 ng Labor Code na maaring magtanggal ng empleyado ang isang employer dahil sa pagtigil ng operasyon ng isang negosyo o sa tuluyang pagsasara nito. Nakalagay rin sa nasabing probisyon na kailangang bayaran ng  separation pay ang mga apektadong empleyado KUNG ang pagsasara ay HINDI sa kadahilanan ng matinding pagkalugi o sa pagka-bankarote ng negosyo.

Bagama’t hindi diretsahang nakasaad, ang ibig sabihin lang nito ay hindi kailangang magbayad ng separation pay ng isang kompanya kung ang dahilan ng pagsasara ng nito ay dahil sa matinding pagkalugi o bankruptcy.

Ito ang naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Manila Polo Club Employees’ Union v. Manila Polo Club, Inc. (G.R. No. 172846, 24 July 2013). Ayon sa Korte Suprema, hindi na kailangang magbayad ng isang employer ng separation pay kung ang pagsasara ng negosyo ay dahil sa pagkalugi ngunit obligasyon ng employer na patunayan ang alegasyong nalugi ang kompanya kaya ito nagsara.

Kailangan ding maipakita ng employer na ang pagsasara ay ginawa in good faith at hindi lamang para makapagtanggal ng mga empleyado at matakasan ang obligasyon sa mga ito.

Sa kaso mo, wala ngang obligasyon ang employer mo na bigyan kayo ng separation pay kung totoo at mapapatunayan nila na magsasara nga ang kompanya dahil sa matinding pagkalugi.

vuukle comment

SEPARATION PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with