Sugar Mommy (302)

“MALAPIT ka nang umuwi, Jericho. Ilang buwan na lang ang ilalagi mo rito sa Saudi,” sabi ni Sammy na nag-aalala rin sa nangyaring insidente sa bahay ni Jane.

“Pakiramdam ko ang tagal-tagal pa, Sammy.’’

“Mabilis na lang ang siyam na buwan, Jericho.’’

“Puwede na kitang pawalan dito Sammy?’’
“Puwedeng-puwede na Jericho. Huwag kang mag-alala dahil lahat nang itinuro mo, namana ko. Makakaasa ka na hindi mapapahamak ang pangalan mo.’’

“Salamat nang marami Sammy.’’

“Pag-uwi ko naman sa Pinas ay ikaw ang aking sosorpresahin. Gusto kong makaganti sa mga nagawa mong kabutihan. Gagan­tihan kita sa lahat nang ginawa mo sa akin. Dahil sa iyo kaya may maganda akong buhay ngayon. Sabi nga ni Inay ay ikaw ang “hulog ng Diyos” sa amin.’’

“Salamat Sammy. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit. Basta kung ano ang ginawa kong kabutihan sa’yo, gawin mo rin sa iba.’’
“Makakaasa ka Jericho. Tutulong din ako sa ibang may pangarap sa buhay.’’

“Tama ka, Sammy.’’

SAMANTALA, mula nang mangyari ang pagnanakaw ng panty, hindi na mapagkatulog si Jane. Nag-aalala siya.

Iniisip niyang mauulit ang nangyari.

Kaya lagi siyang nagbabantay. Laging alerto.

Gusto talaga niya na narito na si Jericho.

Sana mabilis na lumipas ang panahon.

(Itutuloy)

Show comments