Illegal na pagsusugal sa China, bistado dahil sa nagpa-patrol na drone
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

NABISTO ang illegal na pagsusugal sa China dahil sa isang drone na nagpa-patrol sa mga lansangan doon upang bawalan ang mga malalaking pagtitipon at maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus.

Makikita sa video na ini-upload sa social media site na Weibo ang pagpapaalis ng isang drone sa isang grupong naglalaro ng mahjong matapos silang mahuli nito.

Binuwag ng drone ang pagtitipon at maririnig pa sa speaker nito ang isang boses na nagpapaalala na ipinagbabawal ang pagla-laro ng mahjong sa labas ng tahanan lalo na’t mayroong epidemya ng coronavirus sa kanilang lugar.

Makikita rin sa video nang pinagsabihan ng drone ang isang bata na kapansin-pansin ang pagkamangha sa drone na tigilan na ang pagtitig at isama na pauwi ang kanyang amang nahuling naglalaro ng mahjong.

Upang maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus, mahigpit nang ipinagbaba-wal ng China ngayon ang mga pagtitipon kaya naman marami nang mga pampublikong establisimento roon katulad ng mga restaurant at sinehan ang kasalukuyang nakasara.

ILLEGAL NA PAGSUSUGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with