Daming pasaway na drivers, kaya kabi-kabila ang aksidente
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Kabi-kabila ang nagaganap na aksidente sa kasalukuyan.

Noong isang linggo lamang, isang 14-anyos na estudyante ang nasawi,  habang 7 pang kapwa niya mag-aaral ang nasugatan nang araruhin sila ng isang rumaragasang pampasaherong jeep sa Makati City.

Nasa pedestrian lane na ang mga biktimang estudyante at may nagmamando pa ngang traffic enforcer nang maganap ang pangyayari.

Ang bwisit at pasaway na driver ng jeep, ayun ang kumag nagpositibo sa droga. Bukod pa sa nagmamaneho ito ng walang lisensya.

Nahuli na pala ito kamakailan dahil sa mga paglabag at ayun kahit walang lisensya pasaway talaga, ang lakas ng loob nagmamaneho pa.

Aba’y una pang sinisi na nawalan daw sya ng preno kaya natumbok ang mga tumatawid na estudyante.

Palaging ito ang idinadahilan ng mga pasaway na driver, pero ang totoo, karamihan eh talagang reckless at walang pakialam sa iba.

Ang masaklap pa rito, sinasabing maging ang operator nito eh alam palang walang lisensya  ang kanyang driver pero pinayagan pa ring magmaneho.

Kaya nga dapat pati ito panagutin at habulin. Isamang ikalaboso.

Ito ang talagang nakakadismaya, dahil marami pa ring driver ang tila walang pakialam masangkot man sila sa aksidente.

Nahihinaan yata sa parusang pwedeng ipataw sa kanila.

Ito ang dapat na pag-aralan ng mga mambabatas lalu na’t mapatunayan na kapabayaan ang sanhi ng aksidenteng kanilang kinasangkutan.

Sa kasabay ding araw, isang aksidente pa rin ang naganap naman sa Baclaran sa Paranaque City.

Labing-isang katao naman ang nasugatan makaraang suwagin  ng isang SUV sa harap ng simbahan sa Baclaran.

Katulad ng dati, nawalan na naman ng preno ang sasakyan ang dahilan ng driver ng SUV.

Kamakailan lamang isang lady trader ang nasawi sa may Quiapo Church sa Maynila matapos maatrasan ng isang SUV na nawalan naman daw ng kontrol.

Pangunahing nakikitang dahilan sa mataas na bilang ng mga aksidente ay driver’s error.

Kasi nga napakadali sa bansa na makakuha ng lisensiya sa pagmamaneho, hindi na nasasala,kaya yung iba kahit nga yata kahit hindi marunong magmaneho eh nakakakuha ng lisensiya.

Higpitan din ang mga nahuhuli sa mga paglabag, kung sobra-sobra na eh wag ng isyuhan uli lisensya nang hindi na makapaghasik pa ng lagim sa kalsada.

 

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with