Spitting Tsekwa

SINUMPAK ng laway ni pabo este mali Pablo Chu, 50 years old China man ang isang pulis Maynila na mahaharap sa pulutong na kaso ng takasan ng kamote ang dalawang miembro ng Manila Traffic and Par-king Bureau matapos itong lumabag sa batas trapiko sa Binondo na nagtapos sa isang lugar sa Tondo, Manila.

Bukod sa traffic violation nakuhanan pa ito ng droga sa kanyang SUV at ng komprontahin ng pulisya para hulihin ay nagmistulang ‘spitting cobra’ dahil dinuruan nito ang huhuli sa kanya.

Sabi nga, ang baho ng laway?

May coronavirus kaya si Chu?

The other day, nilabag ni Chu ang coding scheme habang sakay ito ng kanyang white Toyota Fortuner na may palakang este plaka palang NVT 7767, dahil nga may paglabag pinara ito ng traffic enforcer pero tinakbuhan siya ng suspect hanggang magkaroon ng habulan blues mula Binondo at nagtapos sa isang lugar sa Tondo.

Dahil ogag ang suspect,  inararo pa nito ang tatlong sasakyan para makatakas kaya lang  medyo ma-traffic sa lugar at mabilis na nakasingit ang motorsiklo ng traffic enforcer na humahabol sa kanya at hinarang agad ito sa harapan ng SUV ng tsekwa pero binangga ng kamote ang motor ng pobreng alindahaw ang siste hindi na rin naka-abante ang Fortuner porke nasa ilalim nito ang sasakyan ng MTPB.

Mabilis na rumesponde ang kapulisan dahil sa commotion nangyari kaya ng hindi na maka-arya pa ang sasakyan ng tsekwa ay ibinaba na lamang nito ang bintana ng kanyang SUV at nakita na may kasamang bebot sa loob.

Ibinaba si ogag at kinapkapan ng pulis at nakunan ito ng isang sachet ng shabu sa bulsa dahilan para siya dalhin sa presinto. Ang siste, hindi marunong magsalita ng tagalog o english si Chu kaya nagpahanap pa ng interpreter ang pulisya para magkaintindihan sa isinasagawang imbestigasyon,.

Dahil sa kabastusan ni Chu dinuraan pa nito ang pulis na humuli sa kanya kaya dinagdagan siya ng kasong unjust vexation at direct assault bukod sa patong-patong na reklamo na reckless ìmprudence resulting to damage of property, traffic violations, at paglabag sa RA 9165 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002 dahil sa nakuhang shabu at paraphernalia sa kanyang sasakyan minamaneho.

Samantala, nangangatog ang bebot na kasama nito dahil tumitira ng droga si Chu habang nagmamaneho ng sasakyan hindi siya makagalaw sa takot na baka may masamang mangyari sa kanya.

Ano ang dapat kay Chu?

Una, pagmumugin ng bunganga dahil sa baho ng laway, magbayad ng danyos sa mga nasira niya, ikulong at pagkatapos ay ipa-deport.

Bakit?

Undesirable alien! Abangan.

Show comments