^

Punto Mo

Buntis na nakasakay sa motorsiklo nanganak; sanggol nalaglag pero himalang nakaligtas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DUMATING sa ospital ang isang babaing nakasakay sa motorsiko at inakala ng mga doktor na manganganak ito dahil mayroong bahid ng dugo sa damit.

Pero ganun na lamang ang pagkagulat ng mga doktor sa isang ospital sa Huangdong, China sapagkat ang babaing nakasakay sa motorsiklo ay nanganak na pala.

Nalaman mismo ng mga doktor sa babae na nanganak na ito nang hindi niya nalalaman habang nakasakay sa motorsiklo na naghatid sa kanya sa ospital.

Ang babae, na nakila-lang si Mrs. Li, ay dinala sa Guangdong Chenguang Nong­chang Hospital ng kanyang asawa sakay ng motorsiklo. Agad sinuri ng mga dokor si Li at napag-alamang wala na nga ang sanggol sa sinapupunan ng babae.

Ang tanong ng mga doctor ay nasaan na ang iniluwal na sanggol habang nakasakay sa motorsiklo.

Tiyak na nahulog ito sa kalsada, sapantaha ng mga doctor.

Kaya dali-daling binalikan ng mag-asawa ang kanilang dinaanan papunta sa ospital upang hanapin ang iniluwal na sanggol.

Sa kabutihang palad, natagpuan nila ang sanggol.

Himalang naka­ligtas ito mula sa tumatakbong motorsiklo. Nagtamo lamang ito ng mga maliliit na galos.

Binantayan din ito ng ilang motoristang nakapansin sa abandonadong sanggol na nasa daan.

vuukle comment

GUANGDONG CHENGUANG NONG­CHANG HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with