^

Punto Mo

National moratorium on tuition

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NANAWAGAN si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, para sa agarang pagpapataw ng isang pambansang moratorium sa tuition at iba pang fee increases sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon sa gitna ng pag-aalis, pagkawala at hagupit ng bagyong Tisoy at Ursula, lindol sa Mindanao, at ang pagsabog ng Taal volcano sa gitnang mga nagdaang kalamidad. Tama!

“Bukod sa aming mga pagsusumikap at mga panawagan upang magbigay ng agarang lunas at mabilis na pagpapalabas ng tulong sa lahat ng mga apektadong komunidad, kinakailangan ang isang tuition moratorium upang bigyan ang madlang people, lalo na ang mga magulang at mga mag-aaral, isang mas kinakailangang pahinga para muli nilang maitayo ang kanilang mga tahanan at ang kanilang mga learning continuity.’ sabi ni Elago .

Ang pagtama ng mga nakakatakot na bagyo at lindol sa kalahatian ng 2019, ay nag-iwan ng bilyun-bilyong pinsala sa mga paaralan, mga ospital, mga tahanan, na may libu-libong mga evacuees at nawindang ang mga mag-aaral, guro at manggagawa.

Sabi ni Elago, ngayong 2020, ang mga klase sa Tisoy at Ursula-hit areas ay ipagpatuloy sa tents o iba pang mga pansamantalang learning spaces. ‘Double shifting’ ng mga classes ay ipinatutupad upang mapaunlakan ang dami ng bilang ng mga mag-aaral.

Dahil sa pagsabog ng Taal, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nag-ulat tungkol sa 2.4 milyong estudyante na apektado na may 1,055 personnel at 30,814 learners sa 78 pampublikong paaralan na matatagpuan sa 14-km radius danger zone ng bulkan, at tungkol sa 1,600 silid-aralan sa 141 mga kalapit na pampublikong paaralan na tinutulungan ang may 58,000 madlang people.

“Congressional support para sa learning continuity, at pinalakas ang oversight on calami­ty at ang Quick Response Funds ay mahalaga dahil sa mga bagay na pangangailangan. Ngayon ang tamang panahon upang harapin ang aming bill sa pagbuo ng permanenteng evacuation centers, dahil sa naranasan at nakita ang matinding epekto ng kalamidad sa mga eskuwelahan at mga biktima ng pangyayari na Diyos lang ang nakakaalam.’ tirada ni Elago.

Lalo na sa higher education, higit sa kalahati, 52.7% o 1.7 milyon, ay nakatala sa mga pribadong institusyon sa  kabuuang bilang ng mga mag-aaral na 3.2 million.

Taun-taon kasi ang mga tuition fees at iba pang bayarin ay parang rocketship papuntang langit kung magtaas na mga dapat bayaran ng mga magulang para makapag-aral ang kanilang mga anak.

Sana tulungan ang mga ito para maging maayos ang buhay ng bawat Pinoy!

Ano sa palagay ninyo?

vuukle comment

SARAH ELAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with